PHL vs Finland sa quarterfinals

NAMUMURO na naman sa pighati ang mga Pinoy billiard fans ng maghabol ang mag kumpadreng sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante laban sa Canadian duo nina Alex “The Lion” Pagulayan at John Morra.

Dahil sanay na sanay na sa pressure nagawa nilang patalsikin ang Canada, 8-5 sa second round ng nagaganap na PartyPoker.net World Cup of Pool sa Midtown Robinsons Place sa Ermita kagabi.

Abante ang magkakamping sina Fil-Canadian Pagulayan at Morra matapos ang rack no. 7, 4-2 subalit natapyasan ito ng Pinoy cue masters Reyes at Bustamante sa ninth frame, 4-5.

Sa 10th rack inumpisahan na nina former champions ng nasabing torneo ang pagpapasaya sa mga Pinoy fans ng sargohin nila ang apat na sunod na panalo para makasampa sa quarterfinals.

Makakaharap ngayong gabi ng PHL tandem ang Finland na binubuo nina Mika Immonem at Petri Makkonen na nagpauwi sa defending champion Germany, 8-4.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply