PHL woodpushers yuko sa Romania

PISAK sa 11th at final round ang Philippine team woodpushers sa No. 25 seed Romania, 1-3 sa katatapos na 40th FIDE World Chess Olympiad sa WOW Convention Center sa Istanbul, Turkey kagabi.

Ganunpaman, nalampasan ng Team Philippines ang pinakamasang performance ng bansa sa Khantiy Mansiysk,Russia noong 2008 ng malasap ang 50th places finish.

Napako sa 14 match point ang PHL chessers dahilan upang sumalo sa 19th to 33rd places at lumanding sa 21st puwesto matapos ipatupad ang tie-break points.

Nakipaghatian ng puntos sina Pinoy super grandmaster Wesley So, (elo 2652) at GM Oliver Barbosa sa boards 1 at 2 ayon sa pagkakasunod.

Nabigo naman sina Asia’s first GM Eugene Torre at GM Mark Paragua sa boards 3 at 4.

Halos lahat ng laban ng Pinoy ay tumagaktak ang pawis dahil nasabak sila sa malalakas na bansa at isa rito ang kahihirang na kampeon, Armenia.

Pinisak muna ng 35th seed Philippines ang mahinang Libya, 4-0 sa first round bago talunin ang mas mataas na rank (No.23) na Moldova, 2.5-1.5.

Sa round 4 unang nalasap ng Pinoy woodpushers ang kabiguan ng makaharap nila ang reigning champion Armenia, 1.5-2.5. Subalit kumain naman ng puntos sa ratings sina So, Barbosa at Paragua dahil nakatabla sila, tanging si Oliver Dimakiling ang natalo.

Samantala, parehong tumapos ang Russia at Armenia ng tig 19 pts. subalit mas mataas ang tie-break points ng huli kaya sila ang tinanghal na kampeon.

Tersero ang Ukraine na may 18 match points matapos kaldagin ang powerhouse China 3-1

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply