‘Pilgrims for Peace’ ilulunsad sa Biyernes

MAGDARAOS ng ‘Pilgrims for Peace’ ang iba’t ibang religious organization at academe sa bansa ngayong Biyernes.

Hinikayat naman ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Peace Executive Secretary Fr. Conegundo Garganta ang publiko, partikular na ang mga kabataan na makiisa sa isasagawang ‘Pilgrims for Peace’ ng iba’t ibang religious organization at academe sa bansa.

Ayon kay Garganta, ‘Pilgrims for Peace’ ay idaraos mula 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi sa Quezon City Circle sa Setyembre 21.

Nabatid na ang pagtitipon ay may temang “ONE 4 PEACE” at binubuo ng broad alliance ng mga peace advocate tulad ng Radio Veritas, Order of Preachers-UST, College of Holy Spirit, Ecumenical Bishops Forum, St. Scholastica College, Religious Sisters, Philippine Christian University, Protestant Churches, National Christian Church of the Philippines at iba pang sectoral organizations.

Layunin ng Pilgrims for Peace na iparating sa tao ang kahalagahan ng kapayapaan kasabay ng paggunita ng Martial law sa bansa gayundin ang observance ng International Day of Peace.

Ikinatuwa naman ni Garganta ang gawaing ito dahil ipinapakita nito na ang pagkamit sa kapayapaan ay hindi lamang gawain ng isang pangkat o grupo ngunit ng iba’t ibang sektor na naghahangad ng mapayapang lipunan.

Sinabi ng pari na nakatutuwang isipin na bagamat may mga bagay bagay na hindi lahat ay sumasang-ayon subalit sa pagkamit ng kapayapaan ay nagkakaisa tayong lahat.

Bahagi ng tatlong oras na Pilgrims for Peace ang pagkakaroon ng Inspirational Peace Explosion at Human PEACE word formation bilang pagbabalik tanaw sa struggle ng mga Filipino noong panahon ng batas militar.

Hangarin din ng “Pilgrims for Peace” na magkaroon ng “common understanding” ang mga mamamayan tungkol sa kapayapaan at panawagan sa iba’t-ibang sektor at gobyerno na ituloy ang peacetalks at lutasin ang ugat ng armed conflict sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply