Pilipinas host ng 2015 APEC Summit

PINAGHAHANDAAN na ng Administrasyong Aquino ang ika-23 Asian Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa 2015 na gagawin sa bansa.

Ang paghahanda ay matapos opisyal na inanunsyo ng APEC ministers ang hosting countries hanggang sa 2016.

Nakatakdang gawin ang APEC summit sa Indonesia sa susunod na taon, China sa 2014, at Peru sa 2016.

Sinabi ni Foreign Affairs Usec. for International Economic Relations Laura Del Rosario na bukod sa Manila, magkakaroon din ng mga pulong sa Clark at Cebu.

Sinabi pa sa na kailangan matiyak na handa ang mga hotel, cultural presentations at ang mga kinakailangang imprastraktura sa taong 2015.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply