Pilipinas II nakaahon agad

NAKABAWI ang Smart Gilas-Pilipinas II sa defending champion Lebanon matapos ilista ang 78-68 panalo ng una sa second day ng 4th FIBA-Asia Cup prelims Ota City Gymnasium sa Tokyo Japan kahapon.

Na rebansehan ng PHL team ang Lebanese upang makabangon agad ito sa kanilang talo sa first day laban sa matatangkad na China, 68-71.

Tanging ang Lebanon lamang ang nakatalo sa Pilipinas, 91-72 ng magkampeon ang huli sa 34th William Jones Cup nakaraang buwan.

Ngayong hapona makakaharap ng Team Philippines ang Uzbekistan na tinalo ang Macau, 81-61.

May kartang 1-1 win-loss slate ang Pilipinas at Lebanon habang magkasalo sa top spot ang China at Uzbekistan tangan ang 1-0 panalo-talo karta

Bokya naman ang Macau matapos ang dalawang laro.

Ang nasabing teams ay mga nasa group A

Kumayod si Marcus Douthit ng 25 puntos at 21 rebounds.

Nasa tuktok naman ng group B ang host Japan bitbit ang 2-0 slate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply