Pinakamalaking bawas sa singil ng Meralco ipatutupad ngayong buwan

IPATUTUPAD ng Manila Electric Company ang kanilang pinakamalaking bawas singil ngayon taon sa kasalukuyang buwan.

Base sa pahayag ni Joe Zaldarriaga, spokesperson ng  Meralco, P1.73 kada kilowatt hour (kWh) ang kanilang ibababa sa singil ngayong buwan ng Setyembre dulot ng pagbabalik normal ng operasyon ng Malampaya natural gas facility, pagbaba ng demand at paggana ng mas maraming hydropower plants.

Binubuo ang bawas-singil ng pinagsama-samang  P1.34/kWh sa generation charge, P0.14/kwh sa transmission charge, at P0.16/kWh sa system loss charge.

Dahil dito,  makikinabang ng P174.73 ang mga konsyumer na may 101 kWh; P345 sa 200kWh; P518 sa 300 kWh; P690 sa 400 kWh at P863 sa 500kWh na konsumo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply