Pinas ‘di mag-aangkat ng bigas sa 2013

MALAKI ang paniniwala ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), ang nangungunang rice research and development sa bansa na magiging self-sufficient sa bigas ang bansa at hindi na ito mag-iimport sa 2013.

Ayon kay Dr. Flordeliza H. Bordey, PhilRice socio-economist, noon 2011 ay halos 92% self-sufficient ang bansa pagdating sa bigas dahil dito nabawasan ng 8% ang importasyon ng bigas mula sa 800,000-900,000 mt ng bigas na inaangkat sa ibang mga bansa.

Ang produksiyon, aniya, ng bigas ay umangat ng 428,000 mt bawat taon mula 2000 hanggang 2010. At mula 2010-2011, umabot na ang produksiyon hanggang 911,743 mt.

Lumawak din, aniya, ang mga lugar na pinag-aanihan ng bigas ng may 4.24%. dahil nakapagrehistro nito ang bansa ng 47,773 ektarya ng paglago mula 2000-2011. At mula 2010-2011, ang mga lugar na anihan ay lumundag sa 182,481 ektarya.

Dahil sa paglaki ng produksiyon ng bigas malaki ang posibilidad na makamit ng mga local na bigas ang malaking pangangailangan sa bigas ng bansa.

Sinabi naman ni Dr. Eufemio T. Rasco Jr., PhilRice executive director, isang global phenomenon ang pangaingailangan sa rice self-sufficiency.

Aniya ang milyang distansiya sa biyahe ng pagkain mula sa bukid hanggang sa consumers ay lalong lumalayo dahil noon ang Pilipinas ay umaangkat ng bigas sa Vietnam at Thailand pero ngayon ay mas malayo na ito sa lugar ng India kung saan umaangkat ngayon ng bigas ang bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply