Pinas handa vs ‘coronavirus’ – DOH

TINITIYAK ng Department of Health (DOH) na nakahanda ang Pilipinas sa anomang banta ng panibagong virus na sinasabing kasing-bagsik ng SARS.

Ayon kay Health Sec. Enrique Ona, naka-alerto na ang National Epidemiology Center ng DOH na tumatayong National Focal Point sa International Health Regulation.

Tiniyak din ni Ona na walang dapat ikabahala ang publiko sa “coronavirus” na nagmula sa Saudi Arabia dahil may sapat namang kakayahan ang DOH sa tulong na rin ng Research Institute for Tropical Medicine at Bureau of Quarantine na mabilis na ma-detect ang mga bagong infectious diseases.

Una nang tiniyak ng DOH na wala pang Filipino na napaulat na tinamaan ng coronavirus sa Saudi Arabia kaya’t ayon sa kagawaran, walang dapat ipangamba ang publiko hinggil dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply