Pinas magiging maulan dulot ng LPA, ITCZ

PATULOY na nagbabanta ng mga pag-ulan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Silangang bahagi ng bansa.

Huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 960 kilometro silangan ng Mindanao.

Bagama’t nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR), inaasahang makapagdudulot pa rin ito ng pag-ulan dahil sa nakapaloob ito sa tinatawag na intertropical convergence zone (ITCZ).

Dahil dito, makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao na may pagkulog at pagkidlat na maaaring makapagdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay inaasahang aabot mula 24 hanggang 32 antas ng sentigrado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply