Pinay 10 taon kulong sa New Delhi

NAHATULAN ng 10 taong kulong ang isang Filipina makaraang mahulihan ng 2 kilo heroin noong 2006 sa New Delhi.

Ayon sa Press Trust of India (PTI), India-based news agency, napatunayang guilty sa possession of illegal drugs si Ma Sol Baillo, 44-anyos, na bukod sa naturang hatol ay  pinagbabayad din ito ng Rs 1 lakh o nagkakahalagang $1,870 o P78,000.

Naaresto si Baillo, tubong Manduriao, noong 2006 sa Indira Gandhi International Airport bago tuluyang makalipad patungong Bangkok.

Sinasabing natagpuan ang heroin sa ilalim ng kanyang suitcase.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply