Pinay cancer patient, nakaligtas sa kakaibang surgery sa UAE

MAITUTURING na isang himala para isang Pinay cancer patient ang pagkakabawi ng kanyang buhay matapos na gumaling sa isinagawang operasyon sa United Arab Emirates dahil sa taglay na Uterine cancer.

Ang Pinay ay matagal nang naghihirap dahil sa maselang karamdaman, kinailangan dumaan ang hindi pinangalanang pasyente sa tinatawag na keyhole o laparospic surgery.

Ayon kay International Modern Hospital at Gynecology Surgeon Dr. Hafeez Rahman, medyo delikado ang pamamaraan para sa kaso ng Pinay patient.

Sa medical and surgical procedure, ipinapasok ang ilang tubo sa loob ng katawan ng pasyente na magsisilbing mata ng doktor para makita sa video camera ang mga veins ng apektadong bahagi ng pasyente upang malunasan ang karamdaman ng isang pasyente.

Nabatid na ang keyhole o laparospic surgery ay kauna-unahang ginawa sa naturang bansa at pang-apat na beses sa buong mundo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply