Pinay milyonarya sa Hawaii

KAYOD kalabaw ang karaniwang itinatawag sa mga taong labis na nagtatrabaho, ngunit sa kaso ng Pilipinang si Lolinda Ramos, ito ang naging daan upang siya ay maging isang matagumpay na milyonarya.

Sa Hawaii sa Amerika ay nakilala ko ang isang Pinay na itinuturing bilang isa sa mga  pinakamatagumpay na negosyanteng Filipino sa Amerika – si Lolinda. Doon na lumaki at nag-aral si Lolinda, mga plantation worker o magsasaka roon ang kanyang mga
magulang.

Sa pagnanais ng mga ito na mabigyan siya ng magandang buhay at mapag-aral ay labis na pagsisikap at pagtatrabaho ang ginawa ng mga ito, kaya bata pa lamang ay namulat na siya sa hirap ng buhay.

Dahil na rin sa nasaksihan niya kung gaano kahirap kitain ng kanyang mga magulang ang bawat sentimo, sinuklian niya ang pagod ng mga ito ng pagsisikap. Sa batang edad pa lamang ay kinakitaan na ng pangarap at direksyon si Lolinda.

Masipag siyang mag-aral sa eskuwelahan at pagdating naman sa bahay ay tumutulong siya sa kanyang mga magulang sa pama-magitan ng pagbabantay sa sari-sari store na naipundar ng kanyang ama, mula sa labis na pagbabanat ng buto.

“It was all work and there was no opportunity to play. Everything was somehow home-made busi-ness and that’s how we were trained and that’s how we progressed,” aniya. Pinagsabay niya ang pag-aaral at ang pagtulong sa kanyang mga magulang, at nang makatapos ng kolehiyo, agad siyang nagtrabaho sa isang life insurance company.

Subalit hindi nagtagal ay lumipat siya ng trabaho sa isang bangko – kung saan ay itinuring siya bilang kauna-unahang Filipina na naging bank officer sa Hawaii.

Mula sa pagiging isang simpleng bank officer ay naging lending officer siya at hindi nagtagal ay naging cor-porate lending officer, kung saan higit niyang natutunan ang pasikot-sikot ng pagnenegosyo.

Maliban sa pagtatrabaho sa bangko, ay nagsimula rin siyang mag-invest sa pamamagitan ng pagbili ng lupa. Pinasok niya ang mundo ng real estate.

Taong 1994, gamit ang perang kinita sa real estate business niya ay nagdesisyon si Lolinda na bu-mili ng lupa sa Las Vegas at mag-patayo ng isang shopping center dito – ang Auvin Square Shopping Center. “The Auvin Square Shopping Center comprises of two lots, and each lot has a 9,000 sq-ft. building, each has 8 doors, so we have 16 doors all together,”  kwento niya.

Dahil sa likas na husay sa pagnenegosyo at dahil na rin marahil sa kanyang mga naging karanasan sa buhay ay unti-unting nagtagumpay at umangat sa buhay si Lolinda.

Taong 2002 ay nabigyan siya ng parangal na Filipino Business Woman of the Year Award na nagsisilbing patunay kung gaano na kalayo ang kanyang naabot sa buhay.

Dahil sa sipag, labis na pagsisikap, na sinamahan ng pangarap at tamang direksyon sa buhay ang anak ng magsasaka unti-unting bumangon at naging milyonarya.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply