Ping inalok ng posisyon sa Gabinete ni PNoy

KINUMPIRMA ngayon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang alok ng Pangulong Benigno Aquino III sa posisyon sa Gabinete kapag natapos na ang kanyang termino sa susunod na taon.

Ayon kay Lacson, hindi naman mismo sa bibig ni Pangulong Aquino nagmula ang alok kundi naipabatid lamang sa kanya ang plano nitong maitalaga siya sa isang puwesto sa gobyerno.

Sinabi ni Lacson na malaki ang posibilidad na pamunuan niya ang isang ahensya sa ilalim ng Office of the President na lalaban sa krimen at kurapsyon subalit wala pang ibang detalye hinggil dito.

Una nang lumutang ang balita na posibleng italaga noon si Lacson sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi naman nito kinumpirma o itinanggi dahil hindi pa nakakausap ang Pangulo sa mga panahong ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply