Pinoy chessers draw sa Vietnam

NAUWI sa draw ang laban ng Team Philippines sa mas mataas na seed Vietnam, 2-2 sa 10th round ng 40th World Chess Olympiad sa WOW Convention Center sa Istanbul, Turkey kaninang madaling araw.

May nakolektang 14 match point ang Pinoy chessers matapos magkasundo sa tabla ang laro sa boards 1 hanggang 4.

Umabot sa 39 moves ng slav ang laban ni Pinoy super grandmaster Wesley So, (elo 2652) at GM Le Quang Liem, (elo 2693) habang si GM Oliver Barbosa, (elo 2554) ay na-perpetual check ni Nguyen Ngoc Truong Son, (elo 2639) matapos ang 30 moves ng slav defense.

Nakaharap naman ni Asia’s first GM Eugene Torre, (elo 2469) si IM Nguyen Van Huy, (elo 2506) na umabot ang laro nila sa 54 sulungan ng Knights variation habang 46 moves inabot ang laban ni GM Mark Paragua, (elo 2508) kay IM Nguyen Doc Hua, (elo 2505).

Kasalo ang PHL woodpushers sa ninth to 15th places at muli na naman silang mapapalaban sa mabigat na bansa sa round 11.

“Maganda ang nilalaro nila at sa tingin ko tuloy-tulkoy na ito hanggang last round.” pahayag ni PHL coach at National Chess Federation of the Philippines, (NCFP) executive director GM Jayson Gonzales.

Makikipagtagisan ang Nationals sa No. 25 seed Romania na tinalo ang France, 2.5-1.5.

Samantala, nagkaroon ng three-way tie sa top spot matapos manaig ng China, Armenia at top seed Russia.

Sinilat ng China ang USA, 2.5-1.5 habang nanaig ang defending champion Russia at Armenia sa Argentina, 2.5-1.5 at Netherlands, 3-1 ayon sa pagkakasunod.

Ang tropa ni Vassily Ivanchuk ng Ukraine ang makalalaban ng China sa top board.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply