Pinoy chessers naubusan sa China

TILA napagod ang Team Philippines kaya natamo nila ang ikalawang kabiguan sa nagaganap na 40th World Chess Olympiad  WOW Convention Center in Istanbul, Turkey.

Ilang araw ding pinagpipisak ng Phl chess team ang mga mabibigat na katunggali tulad ng Bulgaria at England.

Sa round nine kagabi, yumuko ang Pinoy woodpushers sa powerhouse China, 0.5-3.5 upang mapako sa 13 match point.

Tanging si Pinoy super grandmaster Wesley So, (elo 2652) ang sumulong ng kalahating puntos ng makatabla ito kay GM Wang Hao, (elo 2726) sa 64 moves ng king’s indian defense.

Matapos pagpapaslangin nina Oliver Barbosa at Asia’s first grandmaster Eugene Torre ang mga bigating chessers ay natamo pinayuko sila nina Ding Liren at Xiangzhi Bu sa boards 2 at 3 ayon sa pagkakasunod.

Natamo rin ni Mark Paragua ang unang kabiguan sa kamay ni Li Chao.

Makakaharap ng no. 35 ranked PHL chessers sa round 10 ang seeded 27 na Vietnam ngayong gabi.

Kasalo ang National team sa eightht to 16th places habang ang defending champion Russia, China, Armenia at USA ay nasa top spot hawak ang 15 points.

May 14 puntos naman ang Netherlands, Ukraine at Argentina.

Solo sa unahan ang Russia bago magsimula sa round nine subalit tinalo sila ng USA, 1.5-2.5 para maging kumplikado ang labanan sa event na may 13 rounds.

Maglalaban sa top board ang China at USA habang sa board 2 magtatagisan ng utak ang Russia at Argentina.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply