BSP: Pinoys magkakatrabaho bago matapos ang taon

MARAMING Pilipino ang magkakaroon ng trabaho sa huling tatlong buwan ng taong ito.

Batay sa isinagawang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa iba’t ibang employers sa bansa maraming Pinoy ang mabibigyan ng iba’t ibang hanapbuhay dahil sa papasok na ang Christmas season.

Lumabas sa survey, ang all time high na 27.4% sa job prospects ng bansa.

Marami sa mga bangko, financial institutions, mga hotels at restaurants ang mangangailangan ng karagdagang mga tauhan sa susunod na tatlong buwan.

Bukod sa pagpasok ng Kapaskuhan ito ay dala ng inaasahang patuloy na pagganda ng lagay ng ekonomiya ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply