PINTOR NA BROCHADOR (Ikaapat na labas)

“BAHALA na. magpapakita ako ng motibo sa kanya maibsan lang ang aking tinitiis,” nabuo kong pasya. Sukat doon at nagpalit ako ng mula sa hapit na thin jeans sa manipis, maluwag at maigsing shorts.

Agad kong pinuntahan ang nasabing lugar ng gwardiya. At dito ko nadatnan si Bien na paupong nagpipinta.

“Bieeeen!” malambing kong tawag sa likod. Bumaling siya ng tingin sa akin at alam kong ikinagulat niya ang nakita dahil sa pagsulyap niya paitaas sa akin ay mapapansin nito ang aking panty.

Gayon nga at nahihiya itong agad na tumayo. “Sige ituloy mo lang ang pagpinta nang makakota agad kayo,” ikako.

Alam kong nahihiya ito dahil tuluyan na itong nakatalikod paupo habang nakikipag-usap sa akin.

Ako man ay nae-excite sa aking nais mangyari dagling pumupuyos ang aking libog at doon ay “Bahala na” ikako at sinadya ko ang pabukakang pagdaiti ng aking hita sa likod ni Mr. Sumallo.

“Pagbutihin mo ang pagpinta ha, lalo na sa akin,” nanginginig kong sabi.

Sumulyap siya pabaling at patingala sa akin. Saglit itong tumigil sa paghagod ng pintura at nang magbawi ay aking ikinagulat dahil napatingin ito sa manggas ng kanyang t- shirt na noon ay may bahid ng dugo.

Tinitigan niya ako at agad na itong umalis. Noon naman ay dumating na pala ang kotse ng aking asawa at nasa parking space na.

Hiyang hiya ako dahil sa nakitang agos ng aking regla sa hita. Nagpaalam si Mr. Sumallo sa aking asawa na pilit tinatakpan ang dugo sa manggas ng kanyang damit.

Hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil sa kahihiyang dulot ng ‘di ko inaasahang pagdating ng aking dalaw. Ano pa at ito ay ‘di sinasadyang nakabasa sa damit ni Bien.

“Nakakahiya talaga. Diring-diri na siguro siya ngayon dahil sa nangyari. Sayang, ito na sana ang pagkakataon upang matikman kong muli ang ligaya sa sex, “nai-bubulong-bulong ko habang tulog ang aking asawa. Hindi talaga ako mapakali ngunit  magkagayunman, itinext ko si Bien upang mag-sorry.

<< HI BIEN >> text ko. << HI DN PO MAM BKIT PO >> textback nito.

Naglakas loob akong nagtanong. << PCNSIYA KN S NANGYRI HA. HNDI KB NANDI2RI?>>

<< NKU HNDI PO MAM. >> agad nitong sagot.

<< WOW TLAGA HA. HNDI K NGBI2RO? >>paniguro kong tanong.

<<YES MAM KTUNAYAN NGA E NGHI2LOD AQ NG GMIT NA SNITARY NPKIN. >> textback niya na inakala ko na lang na biro.

Nagtapos ang aming mga text at ako ay napayapa na sa aking agam-agam. “May humor din pala ang loko,” naiusal ko.

Ah sa ngayon ang mahalaga ay hindi pala ito na offend sa nangyari. Pero naitanong ko rin sa sarili, “Kung hindi siya madirihin, kung gayon ay mas magaling ito sa pagpapaligaya.” Higit pa sa pagkakapalagayan ng loob ang nangyari sa aming mga damdamin ni Mr. Sumallo o Bien nguni’t hindi kami makawala sa nararamdaman dahil ipit kami sa sitwasyon.

Ang nagagawa na lang namin ay ang pagpapaligaya sa pamamagitan ng SOP o sex on phone. Ganito ang pangyayari ng palagian para sa aming dalawa hanggang sa matapos ang kanilang trabaho sa amin.

Akala ko ay hanggang doon na lamang at hindi na kami magkikita nguni’t umayon minsan ang pangyayari para sa akin. “Melcy ako punta iba bansa para company tour ha.

Ako wala mga lima alaw.” sabi ng aking asawa.

Halos ‘di ko napigilan ang pagdilat ng aking mata sa lihim na tuwa. “O bakit ikaw parang gulat?” usisa nito.

“A e meron pa kasing ipapipinta sa Spa natin hon. Paano ‘yan wala ka.” instantly naisip kong alibi. “Hinni bale bahala na ikaw. Ikaw kuha na lang uli Mr. Sumallo para gawa.” At nangyari nga na ako ay agad tumawag kay Bien para sa trabahong hindi naman talaga kailangan sa aking SPA.

Nasabi ko rin kay Bien na ang trabaho ay para sa isang tao lamang. Hindi agad naka report si Bien sa akin para sa trabaho ngunit dahil sa absence ni Vincent ko ay   mas maigting at malaya ang     aming nagagawang sex on phone ni Bien.   Itutuloy

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply