PINTOR NA BROCHADOR (Ikatlong labas)

HINDI naman siguro kami mahuhuli ni Vincent. “Ang mga bunga ng isip na ito ng panghihinayang ang umuukilkil sa aking pag-iisa. Nagpakaabala ako sa negosyo para malimutan ang aking nararamdaman pero lalo lamang nakadaragdag ang abala sa akin ng libog sa katawan. Nguni’t sabi nga nila sa lahat ng bagay ay may pamamaraan. Oo nga at bakit nga ba hindi nasasabi ko. Noon din ay nilambing ko si Vincent,” sige na hon ipa-renovate natin ang ating section ng spa sa ating beauty parlor sa Commonwealth,” ungot ko.

“Aba lakas naman kita ng atin SPA ah. Saka bago pa pintula mga dingding. Wakanga ikaw gastos,” maktol ng aking asawa. Ngunit alam ko kung paano siya palambutin kaya. “O sike sike ikaw na nga bahala ikaw manedyel e.”

Muli ay nakapag-arrange ako ng transaksyon at ito ay sa ilang karpintero at higit sa lahat ay sa grupo ni Bien bilang mga pintor. Ipinatapos ko muna ang carpentry work para mahuli ang serbisyo ng mga pintor.

Nakailang araw bago tuluyang natapos ang mga karpintero na nakaabala sa aking pananabik ng paghihintay sa serbisyo nila Bien.

Hanggang sa dumating ang mga araw na sila na ay magpinta sa trinabaho ng mga karpintero at ang tagpong ito ang labis kong ikinasiya. Walang araw na hindi ko sinupervise ang kanilang gawa (kunwari).

Sa aking pagsalamuha sa kanila ay pulos nagseseksihan ang aking kasuotan.

Hindi ko man tingnan ay alam kong nagluluwaan ang kanilang mga mata sa hapit ng aking suot sa aking katawan. At ang lahat ng ito ay para kay Bien.

Malakas ang aking loob dahil ang aking asawa ay gabi na kung dumating galing sa trabaho.

Naiuulat ko rin naman kay Vincent ang tungkol sa trabaho at kung ano pa ang aking balakin. At nasabi pa nga nito noon.

“Sike ikaw bahala sa renobet pelo dapat lahat pela labas dapat bawi din ha.“ Oo pasensyoso at providing ang Tsekwa kong asawa isa nga lang ang hindi nito maibigay, at ito ay ang tigas ng isang lalaki na kaytagal kong kinasabikan.

Nagawa kong malaman ang marami kay Bien dahil lihim kaming nagkakausap sa local line ng aming telepono.

Sa tuwing matatapos ang kanilang gawa sa maghapon ay kawalan ng sigla sa akin.

At sa gabi kahit tulog na si Vincent ay naroon ang aking pakiramdam ng pagnanasa at kasabikan na sana ay makaniig ko kahit minsan si Mr. Bien Sumallo.

Nguni’t paano kaya ito mangyayari kung ang aking daigdig ay sa mga sangay lang ng aming negosyo umiikot.

Nasasayangan din ako sa katotohanang nagkakapalagayang loob na kami at nagkakaroon ng garapal na biruan lalo na sa sex.

Noon ay nangyari din na kailangan marahil nila Bien na makakota sa kanilang kontrata.

Kailangang maghiwa-hiwalay ang manggagawa ng puwesto sa iba-ibang lugar ng pinipintahang SPA.

Absent ang isa sa mga pintor at si Bien ang nagrelieve dito. Gabi na noon at ako ay naghihintay kay Vincent sa private room dahil alam kong bibisita at bibisita siya sa
aming beauty parlor.

Sa oras na iyon ay dapat na akong magbehave dahil si-guradong darating ang selosong Tsekwa.

Nguni’t matagal na ay wala pa rin si Vincent at nang huli ay tumawag ito sa akin via celfone at sinabing baka ala-una na niya ako masusundo. Tiningnan ko ang oras sa cellfone at nakita ang oras “Mag-aalas diyes pa lang?” nasabi ko.

Napalunok ako sa dagliang pag-isip ng kamunduhan. “Haaah ngayon na sana at kung wala lang sana ang mga tao ni Bien,” ang agad na rehistro ng maruming isip sa akin.

Alumpihit ako sa higaan at kumakabog ang dibdib na lumalamas ang aking mga kamay
sa aking kaselanan.

Agad kong inapuhap ang local phone. “Guard nariyan pa ba sila?” tanong ko.

“Opo pero may mga lumabas na.”

“E si Mr. Sumallo?” tanong ko. “Nasa isang room po sa baba, nagpipinta. Sa narinig ay saglit akong nag-isip.  Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply