PINTOR NA BROCHADOR (TATAPUSIN)

GAYON NA GAYON na nga ang nangyayari sa amin nguni’t isang araw nang kausapin ako ni Vincent na dapat sana ay aking ikatuwa ngunit “I confirm ikaw taksil nga akyen,” tiim bagang na bungad nito sa akin. “H-ha at paano mo mapatutunayan?” pasinungaling ko.

“Oh yes. Bukas makikita mo ang kulasisi mo sa pelyodiko,” pauyam na sagot ni Vincent.

“Oh God hindi Vincent ! Ano ang ibig mong sabihin?” kabadong usisa ko. Hindi na ako sinagot ni Vincent noon.

Alam ko ang aktibidad ng asawa ko at kilala ko siya. Ah si Bien lito ang isip kong naalala.

“Bien, Bien hello?” agad kong tawag kay Bien sa kanyang cellphone. Walang sumagot sa kanyang cellphone.

Lumuha ako at ‘di na malaman pa ang gagawin. Alam ko kung ‘di man sinaktan ay maaaring isa nang bangkay ngayon si Bien.

Oo alam ko dahil gaya nga ng nasabi ko sa aking salaysay astang goons ang aking si Vincent at mga barkada noong nasa China pa.

Nagdidilim ang isip ko nguni’t wala akong magawa.

“Kasalanan ko ito,” pinilit kong tanggapin ang lahat para sa aking paglulubag ng loob at napakahirap, nguni’t makailang araw lang ay “MERCY C BIEN TO SORI HNDI KTA NSGOT NG 2MWAG K.NCRA KC CP Q.” Text ni Bien.

Wala akong pagsidlan ng tuwa nang malaman kong buhay ito at agad ko siyang tinawagan inilihim ko na lamang dito ang lahat.

Pero bakit kaya? Bina-bluff lang kaya ako ni Vincent dahil walang masamang nangyari kay Bien?

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply