PINTOR NA BROCHADOR (Unang labas)

MAGANDANG araw sa lahat ng tagatangkilik ng REMATE.PH.

Bago ako magsimula ay nais kong magpakilala bilang si Mrs. Virgo ngunit sa aking salaysay ay nais kong maging Mercy ang aking pangalan.

Ang aking asawa na isang matandang negosyanteng Intsik ay si Mr. Wang. Malaki ang katungkulan ng mister ko sa isang pabrika ng bakal kaya masasabing limpak ang kinikita nito.

Naipagpatayo niya ako ng mga negosyo at kami ay pumaprangkisa sa isang sikat na beauty salon.

Dito ko naibubuhos ang aking panahon at salat man sa sex ay nalilimutan ko na rin dala marahil ng nakakamal kong salapi sa aming negosyo.

Nagkaroon din naman kami ng dalawang anak na babae’t lalaki na labing isa at siyam na taong gulang. Nasabi ko noon na satisfied na ako sa buhay, may magagandang anak at ari-arian dagdag pa ang mabait kong esposo.

Oo at maligaya ako ngunit may hangganan din pala ang lahat dahil may hangganan din ang abilidad ng aking asawa para ako’y paligayahin sa kama.

Ngunit hindi rin doon nagtatapos ang aking kalbaryo sa paghahanap ng lunas sa aking pananabik sa kamunduhan dahil natagpuan ko ito sa higit na magiting na lalaki at siya ay
si Mr. Bien Sumallo.

Ang lalaking ito ay isang unit head ng company ng gamot ngunit magkaminsan ay kumokontrata. Nangyari ang kami’y aksidenteng magkakilala nang ako ay dumalaw sa aming negosyong maliit na karnehan sa Quezon City.

Nabanggit ng aking tagapamahala sa karnehan ang pagpapapinta ng panibago sa pasilidad ng gusali nito. Mabili ang karnehan naming ito kaya may mga parukyano na mag-kaminsan na nag-aabang ng mababakanteng mesa para makakain.

Noon ay nakita namin itong si Mr. Bien Sumallo, sampu ng kanyang mga pintor na umibis sa kanilang sasakyan para kumain.

“Uy tamo nga naman ma’am pinag-uusapan pa lamang natin ang tungkol sa pagpapapinta ng ating pwesto e heto na at mga pintor pala itong mga kakain,” ika ni Liza ang aking tagapamahala.

Napag-alaman namin na kumokontrata nga rin ito bilang sideline bukod sa trabaho sa kanilang kompanya. Nakapag-usap kami ni Bien at bumuo ng temporary arrangement para sa pagpapapinta ng aming karnehan kabilang na rin ang panlabas na bahagi ng aming maliit na gusali.

“Saka na natin pag-usapang muli ang transaksiyon at ipaaalam ko muna sa aking asawa,” ika ko noon na tandang-tanda kong nasabi sa kanya.

“Sige po Ma’am Mercy at salamat, makaaasa kayo ng magandang serbisyo sa amin,” ika nito kasabay ang diretsong titig sa akin.  Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply