PINTOR NA BROCHADOR (WAKAS)

NGUNIT muli ay isa na namang tawag para sa akin ang sumagot sa aking katanungan. “Hello Mercy pinsan kamusta ka na. Nakuha ko ang number mo kay Marko,” boses ito sa kabilang linya.

Napag-alaman kong utol pala ito ni Marko na aking pinsan.

Ibinalita nito na patawarin si Marko. Napaiyak ako dahil si Marko ang nagdusa sa aking kasalanan.

Dinalaw ko si Marko at laking pasasalamat namin at nakaligtas siya sa kamatayan.

Dahil sa pangyayari nagka-akas ako ng loob na komprontahin si Vincent.

Naipamukha ko sa aking asawa ang dumi ng kanyang ginawa.

Tigas na paghingi ng dispensa ni Vincent at nangyaring siya pa ngayon ang may kasalanan.

Ngayon ay lumabas na ako ay hindi nagtaksil. At gaano pa man kasama ng gawi ng aking asawa ay siya pa rin ang aking kinakasama at ito ay dahil na rin sa karangyaang aking nakawilihan.

Buhat noon ay medyo maluwag na si Vincent sa aking kalayaan sa paniniwalang hindi ako marunong gumawa ng kababalaghan.

Kayo lamang ang makapagsasabi ng totoo sa akin dear readers dahil nabasa ninyo ang aking sexcapade.

At kayo rin ang nakakaalam at sasabihin ko sa inyo, na ako’y nagsawa na kay Mr. Bien Sumallo at magkasabay ngayon ang dalawang lalaki sa aking buhay, sa labas ng aming tahanan. (Tahanan nga ba?) WAKAS

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply