Pipi’t bingi ginahasa ng manyakis sa Navotas

SWAK sa kulungan ang  isang manyakis na lalaki makaraang maaktuhan ng isang barangay tanod na ginagahasa ang isang dalagitang pipi’t bingi sa Navotas City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Celestino Polido, 38, ng Kapitbahayan St. Barangay NBBS Navotas City.

Ang biktima na dumulog sa tanggapan ng Women and Children Protection Desk ay itinago sa pangalang Juvy, 15.

Sa ulat, ala-1:15 ng madaling-araw habang mag-isang naglalakad ang biktima pauwi galing sa isang peryahan sa lugar nang makasalubong ang suspek sa tabing ilog at hinila siya sa isang madilim na lugar.

Nang aktong huhubaran na ng suspek ang biktima ay pilit itong nanlaban, dahilan para suntukin ng suspek ng 3 ulit sa hita na nagpahina sa dalagita.

Nang makaraos ang suspek ay iniwan niyang nakahiga pa sa masukal na lugar.

Pero habang palayo sa lugar ang suspek ay nakasalubong niya ang isang tanod na nagtataas pa ng pantalon kaya agad siyang hinuli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply