PLM medicine at PT graduates, nanguna sa board exams

IPINAGMALAKI ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang pamamayagpag ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa pangunguna ng presidente nitong si Atty. Rafaelito Garayblas dahil sa siyento-por-siyentong pagpasa ng College of Medicine 2011 graduates sa medical board exam at pagkabilang sa top places ng mga estudyante sa physical therapy licensure board examination.

Anang alkalde, sa magaling na pamumuno at pagtuturo sa pangunguna nina Garayblas, executive vice president at university legal counsel Atty. Gladys Palarca, College of Medicine dean Dr. Rose Anna Banal at registrar Beng Sacop.

“He is not assertive pero alam mong napakasipag niya, kahit natutulog na ako, alam kong ginagawa niya nang mabuti ang trabaho niya. That’s why nobody can question him when it comes to work, integrity and ethics,” papuri ni Lim kay Garayblas.

Ibinalita din ni Lim na ang PLM ay nasa ika-5 ang ranggo sa pinakamagaling na medical schools sa bansa.

Sa Physical Therapy naman, pito mula sa top one ang nakapasok sa top ten, bagamat sa 73 kumuha ng pagsusulit, dalawa ang hindi pumasa.

Sa talaaan, ang PLM students sa Physical Therapy Board Examination ang ay nasungkit nina Camille Catchillar at Irish Bianca Gonzales (Top 1 with grade of 84.55%); Ma. Andrea Raymundo (Top 3, 84.20%); Regine del Rosario (Top 4, 84%); Wilbert Guinto Valladores (Top 7, 83.80%); Arianne Alcala (Top 8, 83.73%) at Michael Nicholai Sangco (Top 9, 83.60%).

“Karamihan ng enrolled sa PLM ay scholars at honor graduates from Manila’s 32 public high schools. Kaya ang PLM ay lumalaban nang sabayan sa UST at UP lalo na sa college of medicine. Maganda rin ang resulta ng mga graduates sa College of Medicine natin sa PLM, kaya carry on and keep the PLM flag flying,” ani Lim.

Punapurihan din ang PLM vice-president for academic affairs na si Neri Pescadera at College of Physical Therapy Dean Prime Rose Lanete sa pagkakaroon ng matatalinong graduates.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply