Plunder, 175 counts of malversation vs ex-PAGCOR chair, inirekomenda ng DOJ

PATONG-PATONG na kasong kriminal ang inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na isasampa sa Ombudsman laban kina dating PAGCOR Chairman Efraim Genuino at 12 iba pa.

Sa tatlong magkakahiwalay na resolusyon ng DOJ, ipinasusulong ang pagsasampa ng plunder, 175 counts ng malversation of public funds, 174 counts ng paglabag sa anti graft and corrupt practices act.

Nakasaad sa resolusyon na sinabi dito na ang ilang PAGCOR board memebers at officials, BIDA Foundation at BIDA Production ay nagsabwatan sa pagkamal ng iligal na yaman na humigit kumulang sa P50 milyon sa pamamagitan ng irregular na sponsorship at iligal na donasyon.

Bukod dito, ginamit umano ng PAGCOR ang pondo para sa Bida Foundation na tumakbong Partylist group at mga advertisements nito.

Nakitaan rin ng probable cause para sa paghahain ng reklamo hinggil sa kwestyunable umanong pagbili ng mga tiket at passes para sa pelikulang Baler na proyekto ng Viva Communications at Bida Foundation gamit ang pondo ng PAGCOR na nagkakahalaga ng P26.7 milyon.

Nakitaan din ng probable cause para masampahan ng reklamong graft at malversation of public funds si Genuino at iba pa dahil sa paggamit ng bahagi ng 300 metric tons ng bigas na dinonate ng Japan Aruze Corp.

Ang nasabing mga bigas mula Japan ay nakalaan sana sa mga biktima ng bagyong Frank ngunit ito ay ginamit umano ni Genuino para sa kampanya ng dalawa nitong anak na lalaki noong May 2000 elections.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply