PNoy dumalo sa kasal ng anak ng Sultan ng Brunei

DAHIL hanggang ngayon ay single, hanggang pagdalo na lamang sa kasal ang magagawa ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa katunayan, lumipad ang Pangulong Aquino patungong Brunei kaninang umaga para dumalo sa ceremonial wedding presentation ng anak na babae ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa Istana Nurul Iman Palace.

Sumakay ang Punong Ehekutibo sa Villamor Air Base para sa Brunei ng alas- 6:45 ng umaga.

Nauna rito, sinabi naman ng Malakanyang na ang biyaheng ito ng Chief Executive ay isang kaso ng “informal diplomacy.”

“Given that it is important to continue to strengthen our relations with fellow ASEAN countries, the President will be engaging in some informal diplomacy,” ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Si Princess Hajah Hafiza Sururul Bolkiah, 32, ang pang-limang anak ng Sultan at ng asawa nitong si Queen Saleha, ay ikinasal kay Haji Muhammad Ruzaini nitong Huwebes, Setyembre 20, 2012.

Ang ceremonial wedding presentation ay isang linggong selebrasyon sa Brunei.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply