PNoy: Kontrata ng STL operators, busisiin

INIUTOS na ni Pangulong Benigno Aquino na busisiin ang kontrata ng mga operator ng Small Town Lottery dahil sa paggamit sa STL bilang panakip o prente ng jueteng.

Ayon kay Pangulong Aquino, ngayon ay pinag-aaralan na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Office of the Executive Secretary, Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DoJ) kung kailan dapat ihinto ang operasyon ng STL dahi tapos na ang eksperimento ng gobyerno sa STL bilang pangontra sa jueteng.

Mayroon din naman umanong komprehensibong plano ang gobyerno para matugunan ang problema sa jueteng maging sa iba pang iligal na sugal sa bansa.

Ito, aniyang, planong ito ay sinimulan mismo ng yumaong kalihim ng DILG na si Secretary Jesse Robredo.

Kaugnay nito, kinontra ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na nagagamit lamang ang mga lehitimong numbers game tulad ng STL para maipagpatuloy ang jueteng operations sa isang lugar.

Ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo, taliwas sa pahayag ni Lacson, humihina ang operasyon ng jueteng sa mga lugar na mayroong STL.

Bukod dito, tiniyak ni Cerbo na patuloy ang monitoring nila sa mga lugar na posibleng may jueteng at umiiral pa rin ang one strike policy laban sa mga hepe ng pulisya sa isang lugar na mayroong jueteng.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply