PNoy ‘no reaction’ sa pag-atake ng NPA sa Davao

WALANG ibinigay na direktiba si Pangulong Benigno Aquino III sa ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Davao City na nagresulta sa pagkasugat ng 37 katao, makaraang hagisan ng granada ang isang covered court sa Brgy. Fatima, Davao City, kagabi.

Katwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay hindi naman lahat ng nangyayari sa bansa ay kailangan pa ng presidential directive dahil alam naman ng ahensiya ng pamahalaan ang kanilang gagawin sa isang sitwasyon na katulad nito.

“That, I will have to check that—if there is any specific directive to that effect, ano. Kasi normally ‘yung mga security forces naman po on the ground already know how to respond to this sort of incident. Hindi naman po lahat kailangan po ng presidential directive dahil alam naman po ng ating mga ahensya ‘yung kanila hong gagawin in specific situations,” ayon kay Usec. Valte.

Kaya nga, bahala na ang local na pamahalaan ng Davao na lutasin ang bagay na ito.

Sa ulat, umakyat na sa 37 katao ang naiulat na sugatan sa nangyaring pagsabog ng granada sa loob ng isang circus area.

Sinabi ni City Police Dir. Sr/Supt. Ronald Dela Rosa na batay sa inisyal na imbestigasyon, target sana ng pagpasabog ay ang army detachment na katabi lamang ng covered court, subalit tumalbog ang granada dahil sa net barrier.

Karamihan sa mga biktima ay dinala sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) at Panabo Hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply