PNoy: ‘Party to Party’, ipararating ni Roxas sa Chinese VP pananaw ng Pinas

KUMPIYANSA si Pangulong Benigno Aquino III na maipaparating lahat ni DILG Sec. Mar Roxas bilang special envoy sa 9th China-ASEAN Expo ang saloobin ng una kay Chinese Vice President Xi Jinping kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea.

“Ang instructions ko kay Secretary Roxas, simpleng-simple: siguraduhin na maparating ‘yung ating mga pananaw doon sa highest levels of the leadership of the People’s Republic [of China] para klarong walang lost in translation, para klaro kung saan tayo nagmumula, anong agam-agam natin, anong inaasahan natin. So, ma-itransmit ‘yon. Kung magrerespond sila, maganda; kung hindi, maliwanag sa atin na naiparating sa kanila ‘yung talagang sinasaloob natin ng maliwanag nang maliwanag,” ayon kay Pangulong Aquino sa isang panayam matapos pasinayaan ang refurbished Aquino-Diokno Memorial at ang bagong AFP Center para Human Rights Dialogue sa Fort Magsaysay sa Palayan City sa Nueva Ecija.

Ang 9th China-ASEAN Expo ay nagsimula na kahapon, Setyembre 21 at tatagal ng hanggang 25 sa Nanning, China.

Sinabi pa rin ng Pangulong Aquino na ang bansang China ay “one-party state”. Si Sec. Roxas naman ay pangulo ng partido na kanyang kinabibilangan.

“Sa Vietnam at sa China nagkaroon sila nang usapan kung saan na naging daan ‘yung pagiging party to party na dialogue. So, nung minungkahi ito—palagay ko sa ganoong pananaw rin ‘yung party to party, OK, na,” sabi ni Pangulong Aquino.

Agad namang nilinaw ng Chief Executive na hindi porke’t si Sec. Roxas ang ipinadala sa Expo ay wala ng magiging papel si DFA Sec. Albert del Rosario.

Pandagdag lamang, aniya, si Sec. Roxas sa ilang aktibidades sa China lalo na pagdating sa Friendship Agreement ng Pilipinas sa naturang bansa.

“Syempre, kunyari meron tayong friendship agreement with China, component noon tourism, hindi naman siguro si Secretary Roxas o si Secretary del Rosario ang kailangan doon. Si Secretary [Mon] Jimenez ang haharap sa kanila. Pagdating sa trade, sagot naman ng DTI ‘yon. Sa ngayong pagkakataon lang, ulitin ko, sa ating pananaw mukhang ‘yung relasyon ng ‘party to party’ ang hinahabol nila dito kaya hiniling na si Secretary Roxas ang ipadala,” ani Aquino.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply