PNoy pinag-iingat sa isyu sa West Phl Sea

NAGBABALA ngayon si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon kay Pangulong Benigno Aquino na maging maingat sa paghawak sa isyu ng West Philippine Sea kasunod ng nabunyag na “backdoor negotiation” ni Senador Antonio Trillanes sa China.

Binigyang diin ni Biazon na hindi magandang senyales lalo na sa international community ang nangyaring gulo sa pagitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Trillanes matapos sagot-sagutin ito ni Trillanes dahil sa diumano’y pag-ungkat ng senate president sa backchanelling sa China.

Ipinaliwanag ni Biazon na mahalagang mapangalagaan ang national interest ng bansa sa West Phil. Sea bunsod na rin na hindi nagkakatugma ang direksyon sa pagbibigay proteksyon ng estado sa pinag-aagawang teritoryo at sa rebelasyon ni Enrile kaugnay sa tila pambubugaw na ginawa ni Trillanes sa disputed area.

Magkagayunman, hindi pa rin tuwirang sinabi ni Biazon na mali ang mga ibinunyag ni Enrile, tanging ang nabanggit nito ay namemeligro aniya ang interes ng bansa sa mga naging pahayag ng senate president.

Dagdag pa ni Biazon na dahil ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang siyang concerned agency na may kinalaman sa isyu ng West Phil Sea ay mas kakailanganin ngayon ng ahensya ng suporta mula sa pangulo ng bansa bilang alter ego na rin nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply