PNoy tiwala pa rin kay Puno – Lacierda

NANANATILI pa rin ang “trust and confidence” ni Pangulong Benigno Aquino kay resigned DILG Usec. Rico Puno.

Binigyang diin ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na kusang-loob na nagbitiw sa puwesto at sariling desisyon ni Puno ang iwanan ang kanyang posisyon para bigyan ng pagkakataon si incoming DILG Sec. Mar Roxas na simulan ang reporma sa DILG kasama ang sariling mga tauhan nito.

Sa kabilang dako, bagama’t malapit na magkaibigan sina Pangulong Aquino at Puno ay wala namang katiyakang mabibigyan ng bagong posisyon sa gobyerno ang huli.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala pang abiso ang Pangulong Aquino kung bibigyan nito ng bagong trabaho ang kanyang kaibigan.

Sa kabilang dako, hindi pa napag-uusapan sa gabinete kung may nakalaan ngang bagong posisyon kay Puno at ang pakiusap ng Malakanyang sa publiko ay hintayin na lamang ang magiging pahayag dito ng Chief Executive.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Puno na bahala na ang Pangulo kung ano ang magiging kapalaran niya pagkatapos ng kanyang bakasyon sa gobyerno.

Sinabi nito na tanging kay Pangulong Aquino lamang siya susunod at ito lamang ang kanyang pakikinggan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply