POEA: OFWs maaari nang ipadala sa Vatican, Monaco

INIHAYAG ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maaari na ngayong magpadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Vatican at Monaco.

Batay sa POEA Governing Board Resolution No. 9 – 2012, nakasunod ang dalawang bansa sa mga requirements na isinasaad sa Republic Act 10022 o Migrant Workers Act kaya’t pinayagan na ang pagpapadala ng OFWs doon.

“The POEA Governing Board resolves as it is hereby resolved to include the Principality of Monaco and The Vatican in the list of compliant countries, where continued deployment of OFWs shall be allowed,” bahagi ng resolusyon.

Nakasaad sa Section 3 ng RA 10022, na papayagan lamang ang deployment ng OFW sa isang host country kung ito ay may umiiral na “labor and social laws” na nagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa; signatory sa multilateral conventions, at may bilateral agreement sa pamahalaang Pilipinas para sa proteksyon ng karapatan ng mga OFWs.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 186 bansa ang inaprubahan ng POEA para makapagpadala ng mga OFW, habang may 17 bansa pa ang walang sertipikasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsesertipika na sila’y mga OFW friendly.

Samantala, ang sertipikasyon naman para sa Libya at Iraq ay nirerebisa pa kasunod na rin ng mga development sa dalawang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply