Police secret marshalls ibinalik, 1 holdaper nasampolan agad

NASAMPOLAN agad ang isang miyembro ng Bonnet Gang nang pagbabarilin ng dalawang police secret marshalls na ikinalat ng awtoridad sa lunsod nang magdeklara ito ng panghoholdap sa loob ng pampasadang jeep sa Quezon City kaninang umaga.

Nagtamo ng isang tama sa gitna ng noo at dalawa sa dibdib at namatay noon din ang suspect na inilarawang 25-28 anyos, nakasuot ng kulay asul na t shirt, short pants at bonnet.

Naganap ang insidente dakong alas 10:05 ng umaga sa isang bisinidad ng Belfast Avenue, sa Barangay Pasong Putik.

Ayon sa Quezon City Police District, bago ang insidente ay sumakay ang suspect sa tapat ng isang shopping mall sa Fairview.

Pagsapit sa lugar, naglabas ito ng kalibre 45 at nagdeklara ng holdap na lingid dito ay may 2 palang police secret marshalls na nakasakay sa naturang dyip.

Hindi naman idinetalye pa ng QCPD kung ano na ang mga sumunod na pangayayari basta’t idinepensa ng dalawang hindi pinangalanang secret marshalls na tinangka silang saksakin ng suspect kaya binaril nila ito.

Muling ipinakasa ni Quezon City police district chief Mario dela Vega ang pagpapakalat ng police marshalls sa mga pampaherong jeep sa pangunahing kalsada sa lunsod dahil sa mataas na insidente ng holdup robberies.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply