Police visibility pinaigting sa Makati

PAGPASOK ng ber months, nagpakalat na ng tatlong bagong police assistance center ang Makati Police bilang bahagi ng pinaigting na police visibility sa kahabaan ng EDSA at JP Rizal upang masawata ang dumaraming insidente ng panghoholdap.

Ayon kay Superintendent Jaime Santos ,acting Makati City Police Chief, dalawang linggo na umanong ipinatutupad sa lungsod ang Police Integrated Patrol System (PIPS) at malaki ang epekto nito sa pagbaba ng insidente ng panghoholdap .

Ito’y bunsod na rin ng maraming reklamong panghoholdap sa mga nabanggit na lugar kung saan walang mga pulis at nagtuturuan ang mga istasyon kung sino ang nakakasakop na PCP sa mga pinangyayarihan ng mga holdapan.

Makakatuwang ng mga pulis Makati ang mga elemento ng Southern Police District na iniluklok ni SPD director Benito Estipona upang bantayan ang mga taong naglalakd sa mga footbridge sa EDSA-Loyola, EDSA Estrella, at EDSA Magallanes, na nasa ilalim ng Project EDSA Watch na magsasagawa ng 24 oras na seguridad .

Tatlong Police Assistance Centers ang ikinasa sa Kalayaan Ave.C-5 Road, EDSA Estrella, at JP.Rizal-Del Pan .upang karagdagan sa police visibilty sa mga lugar na kritikal lalo na sa pagsapit ng dilim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply