Pondo sa expansion, repair ng Dipolog airport, kasado na

LALARGA na ang expansion at pagre-rapair ng Dipolog City airport makaraang aprubahan ang P66.9 million na nilaang pondo mula sa P319 million na budget ng Department of Transportation and Communications (DOTC) para sa development sa dalawang key airports ng bansa na kinabibilangan ng Dipolog at Tacloban City Airport.

Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) – Dipolog na ang components ng airside development projects ng Dipolog ay kinabibilangan ng expansion ng apron, widening ng taxiway, construction ng river protection at ang construction ng box culvert at drainage system.

Ang Dipolog City Airport ay isa sa mga major air terminal ng Mindanao at  ito ay magsisilbing daan sa paglago ng business at tourism hindi lamang sa lungsod ng Dipolog at Dapitan maging sa buong probinsya ng Zamboanga del Norte at mga kalapit na lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply