Pondo sa mga proyekto tututukan ng DA-12

NAKATUTOK ngayon ang Department of Agriculture-12 sa mga pondong inilalaan sa mga downloaded project ng kagawaran hindi lamang sa mga lokal na pamahalaan kundi pati na rin ang mga private organizations at mga farmers’ associations na tumatanggap ng pondo mula sa AgriPinoy programs ng Kagawaran.

Nauna rito, nagkaroon ng consultative meeting hinggi sa Financial Management sa pondo ng mga downloaded project ng mga LGU at mga asosasyon na dinaluhan ng mga treasurer/accountant at mga kinatawan ng mga organisasyon mula sa ibat-ibang bayan ditto sa rehiyon.

Ayon kay DA-12 Regional Executive Director Amalia J. Datukan, layunin ng consultative meeting na maituwid ang mga pagkukulang sa mga liquidation papers. Dagdag pa ni Director Datukan na  ito ay bahagi ng transparency initiatives ng DA-12.

Ang project monitoring at assessment ay bahagi ng pagtahak sa tuwid na daan ni Pangulong Benigno Aquino at ni DA Secretary Proceso Alcala na dapat maibalik ang magandang imahe ng DA para sa kapakanan ng  mga magsasaka at mangingisda.

Hinikayat niya ang mga nakilahok  na gawin ang tamang proseso ng liquidation ng mga proyekto upang maiwasan ang mga problema.

Ang mga naunang downloaded projects ay simula pa lamang, bagkus lalo pang lumalaki ang pondo ng DA-12  na umaabot na sa 700 million ngayong taon at inaasahang  lalaki pa sa isang bilyong piso sa 2013.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply