Pong Biazon dapat ibalik sa Senado

MARAPAT lamang ikonsidera ng mga taga-administrasyon na bubuo ng senatorial line-up na ikakampanya ni Pangulong Noynoy Aquino si Muntinlupa Rep. Pong Biazon.

Ibang klase kasi ang matandang Biazon lalo na kung prinsipyo ang pinag-uusapan dahil kahit sino yatang Poncio Pilato ang lumapit dito ay tatanggihan nito basta’t alam niyang nasa tamang landas ang kanyang ipinaglalaban.

Subok ang dating AFP chief of staff na ito ni Tita Cory sa pakikipaglaban maging sa banatan man sa kabundukan o sa ple-naryo man ng Senado at Batasan.

Ito ang katangiang dapat ikonsidera ng Liberal Party (LP) lalo’t tuwid na landas ang pinag-uusapan dahil tiyak na hindi sila mapapariwara at maliligwak kapag si Pong Biazon ang kanilang pinabalik sa Senado dahil subok naman talaga sa paninindigan ang mama na tatay ni Mang Ruffy na boss at nagpapatino ngayon sa Bureau of Customs (BoC).

###

Iilan pa lamang ang pangalang lumulutang sa senatorial line-up ng administrasyon na talagang miyembro ng ruling Liberal Party na pinamumunuan ni Sec. Mar Roxas.

Ito ang nakapagtatakang katotohanan dahil kung ating pakakasuriin ay tanging sina Quezon Rep. Erin Tañada, Bam Aquino, mag-amang Ruffy at Pong Biazon Biazon ang talaga lamang masasabing miyembro ng LP sa pangalang inilabas ng mga tagapagsalita ng binuong koalisyon.

Kahit idagdag pa natin si dating Senador Ramon Magsaysay Jr., sa sinasabing pambato ng LP ay talaga namang lumalabas na mababaw ang bench ng partido ni Mar Roxas. ‘Yan ang katotohanan hindi pwedeng pasinungalingan sa taumbayan at iyan siguro ang misyon ngayon ni Roxas kaya niya hinawakan ang DILG para mapalakas ang kanyang partido na hindi pa rin kumpleto ang grassroots organization nito.

###

Ibang klase rin naman ang diskarte ng mag-amang Senate President Juan Ponce at Cagayan Rep. Jackie Enrile.

Kung ating pakasusuriin ay ang mag-ama lamang na ito ang iilan lamang sa may angking gulang sa pulitika.
Sa hindi nakaaalam, si Rep. Jackie Enrile ay miyembro ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco samantalang ang ama nito ay isa naman sa pinuno ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) na itinatag ni dating Pangulong Joseph Estrada at ngayon ay kasapi ng koalisyon United Nationalist Coalition (UNA).

‘Yan ang ating aatupagin sa susunod nating mga pagtalakay sa pitak na ito na ang hangad ay imulat ang mamamayan sa mga trapo sa lipunan na hanggang ngayon ay namamayani pa rin sa bansa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply