Pope Benedict XVI bumisita sa Lebanon

SA gitna ng kaguluhan ngayon sa karatig bansa, bumisita naman si Pope Benedict XVI sa bansang Lebanon upang ihatid ang magandang mensahe ng kapayapaan doon.

Bagamat kaliwat kanan ngayon ang mga bansang nakararanas ngayon ng kaguluhan at matinding karahasan gaya ng Syria ,Libya at Egypt bunsod ng protesta ng mga Muslim kontra Estados Unidos ay patuloy pa rin ang aktibidad at pagbisita ng Papa.

Sa kabila nito, naglagay naman sa paliparan ng mga banner na pagbati sa Papa ang Shi’ite movement na Hezbollah.

Sa nasabing mga banner ay nakasaad ang mga katagang “Hezbollah welcomes the Pope in the homeland of coexistence” sa mga salitang Arabic at French.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply