Power shortage sa Mindanao, 7 buwan tatagal

TATAGAL pa ng pitong buwan ang nararanasang power shortage sa Mindanao, ayon sa National Power Corporation (NAPOCOR) .

Ayon sa NAPOCOR, nabigo ang pribado at pampublikong sektor na magtayo ng mga power plant upang suportahan ang tumataas na demand sa supply ng kuryente sa rehiyon.

Kaugnay nito, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na dapat maghanap ang Mindanao ng alternatibong pagkukunan ng kuryente bukod sa hydro powerplant.

Ngunit may ginagawa na, aniyang, paraan ang gobyerno upang maresolba ang problema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply