PPCRV sa Comelec: ‘Wag i-extend ang COC filing

PINAYUHAN ng Parish Pastoral Council on Responsible Voting o PPCRV ang Commission on Elections (Comelec) na huwag nang i-extend ang deadline sa filing of certificate of candidacy dahil mahuhuli ang timelime sa pagpapatupad ng technical services para sa automated elections.

Ayon kay PPCRV Chairperson Henrietta de Villa na hindi na maaring patagalin ang filling dahil automated ang halalan.

Sinabi pa ni De Villa na madaliin ng komisyon ang “filling” ng COC dahil kailangang malaman aniya kung sino ang mga kakandidato upang mai-configurate sa balota para naman sa gagamiting PCOS machine.

Kaugnany nito, tiniyak din nito na hindi lamang tagabantay ang PPCRV para sa CHAMP o Clean Honest Accurate Meaningful and Peaceful elections kundi nanggigising din sila sa konsensiya ng mga botante na bahagi ng kanilang voters education.

Nilinaw ni De Villa sa panayam ng Radyo Veritas na malinaw sa guidelines ng Comelec na hindi maaaring participant ang PPCRV kungdi puwede itong manggising sa mga botante na pag-aralan ng mabuti ang isang kandidato.

Ang mga public officials na tatakbo sa 2013 midterm elections ay pinayuhan din ni De Villa na mag-resign sa puwesto para maging patas sa kanilang mga katunggali.

Samantala, sinabi naman ni Father Edu Gariguez, Executive Secretary ng CBCP-NASSA na mahalagang piliin ng mga mamamayan ang mga kandidatong hindi magmamalabis sa kapangyarihan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply