Pre-trial sa electoral sabotage ni GMA itinuloy

SA pagpapatuloy ng pre-trial sa kasong electoral sabotage nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating Maguindanao Governor Lintang Bedol at dating Maguindanao Election Supervisor Lintang Bedol, nakapagsumite na ang mga tagausig ng Department of Justice (DOJ) ng mga dokumentong kinapapalooban ng mga ebidensiya at testigo sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) kanina.

Isinumite ni DOJ Assistant State Prosecutor Ma. Elvira Herrera ang 28-pahinang dokumento sa sala ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng Branch 112 kasabay ng hirit na magkaroon na ng admission at stipulation kahit man lamang sa pamamagitan ng oral argument sa presentasyon ng mga ebidensiya.

Nilinaw din ng tagausig na wala sa kanilang panig ang dahilan ng nagaganap na mabagal na usad ng pre-trial dahil nakahanda naman aniya silang iprisinta ang kanilang mga ebidensiya, partikular ang nilalaman ng kanilang mga isinumiteng dokumento.

Nauna nang sinabi ng tagausig na posibleng ipatawag din nila bilang mga testigo sina dating Local Water Utilities Administrator Prospero Pitchay at dating Senador Juan Miguel Zubiri dahil kabilang sila sa mga dumalo sa pagpupulong na ipinatawag ni Gng. Arroyo nang iutos umano ang pagtiyak sa panalo ng Team Unity ng administrasyon.

Kanina ay muli na namang nagkainitan ang panig ng depensa at tagausig dahil sa argumento kung sino ang unang maglalabas ng kanilang pre-trial brief kung saan malalaman ng korte ang detalye ng magiging takbo ng kaso at mga ebidensiyang iprinisinta sa hukuman.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply