Premiere night ng ‘The Mistress’ dinumog ng fans

DINUMOG ng daang-daang fans ang premiere night ng pelikulang “The Mistress” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonso sa SM Megamall kagabi.

Hindi magkamayaw ang mga fans sa pagsigaw ng dumating sa venue sina Bea at Lloydie.

Hindi naman makapaniwala ang mag-loveteam sa dami ng taong nagpunta para masilayan sila at ang pinakaaabangang pelikula ngayong taon.

Ayon kay John Lloyd sa interview sa TV, “ninenerbiyos” siya nang makitang marami ang dumagsa sa premiere night ng kanilang movie ni Bea na talaga namang espesyal dahil ito ay kasabay ng celebration ng 10th anniversary nila bilang magkatambal sa pelikula at telebisyon.

Sinabi rin ng dalawa sa parehong interview na excited silang makita ang pelikula.

Taos-puso rin silang nagpasalamat sa walang-sawang pagsuporta sa kanila ng fans.

Present din sa premiere night ang director ng pelikula na si Olivia Lamasan, ibang co-star sa pelikula gaya ni Ronaldo Valdez.

Dumalo rin sina Anna Roces, Ai-Ai delas Alas, Slater Young at John Arcilla.

***

Grace Poe Llamanzares tatakbong senador sa 2013 elections

KUMPIRMADO nang tatakbo si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairwoman Grace Poe Llamazares sa 2013 mid-term elections.

Ito ay matapos na tanggapin ni Llamanzares ang alok ng Liberal Party na tumakbo siya bilang senador sa ilalim ng nasabing partido.

Dahil dito, hanggang sa katapusan na lamang ng Setyembre manunungkulan bilang MTRCB chair ang anak ni yumaong Da King Fernando Poe, Jr.

Ani Grace sa panayam sa TV, masaya naman siguro at sinusuportahan siya ng ama sa pagpasok niya sa pulitika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply