Premium ng mga GSIS members, mababayaran na

SINAKSIHAN ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang paglagda sa tripartite Memorandum of Agreement sa pagitan ng Kagawaran ng Budget (DBM), Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Government Service Insurance System (GSIS).

Ang MoA na nilagdaan nina Kalihim Florencio Abad ng Budget, Kalihim Armin Luistro ng Edukasyon at Robert Vergara, pangulo at tagapamahalang pangkalahatan ng GSIS, ay naglalayong ipatupad ang makatotohanan at maayos na lunas sa “hindi matapus-tapos” na hindi nababayarang premium sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga benepisyo ng halos 800,000 aktibo at hindi na aktibong kawani ng DepEd sapul noong 1997.

Sa kasunduan, aayusin ng DBM ang P6.02 bilyong premium-in-arrears na kumakatawan sa share ng pamaalaan at bibilisan ang pagbabayad sa pamamagitan ng paunang P3.46 bilyon o kalahati ng kabuuang halaga. Ang GSIS naman, sa pamamagitan ng Board of Trustees, ‘patatawarin na’ ang P14 bilyong kabuuang interes, gayundin ang pagkakaloob ng limang bahagdang diskuwento sa prinsipal.

Sinabi ni Vergara na ngayong malagdaan na ang MoA, madaragdagan ang benepisyo ng mga kawani ng DepEd, gayundin ang halagang maaari nilang utangin at pati ang kanilang mga benepisyo sa pagreretiro.

Idinugtong niya na ang mga nagretiro at hindi na aktibong kawani ng DepEd ay maaari ring makatanggap nang higit na malaking pensiyon sapagka’t bagong pagtutuos ang gagawin ng GSIS sa kanilang mga benepisyo at “refund” gaano man kalaki ang halagang inawas sa kanila at aayusin din ang kanilang mga pensiyon.

Kasama ng Pangulo sa pagsaksi sa paglagda sa MoA sina Daniel Lacson, Jr., GSIS chairman, Senador Edgardo Angara, Kinatawan Rosenda Ocampo (Ika-6 na Purok, Maynila at Kinatawan Antonio Tinio ng Alliance of Concerned Teachers Partylist.

Dumalo rin sa paglagda sa MoA sina Benjo Basas, tagapangulo ng Teachers’ Dignity Coalition; Mario Ramirez, pangulo ng Philippine Public School Teachers Association (PPSTA); Atty. Domingo Alidon, pambansang pangulo ng DepEd-NEU at Benjamin Valbuena, pangulo ng Manila Public School Teachers’ Association (MPSTA).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply