Preso binoga habang pumupuga, patay

NAPATAY ang isang preso matapos barilin ito habang inaakyat ang pader ng Iloilo district jail para umeskapo.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang presong si Rizaldy Alemania na nahaharap sa kasong homicide at frustrated homicide.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 nitong Miyerkules ng umaga sa Barotac Viejo District Jail.

Bago ito, halos katatapos pa lamang maglaro ng basketball ang biktima at ilan sa mga preso nang bigla itong sumampa sa pader at sinimulan itong akyatin.

Nagpaputok naman agad ng warning shot ang isa sa mga jail guard pero hindi ito pinansin ni Alemania kaya napilitan na itong patamaan ng dalawang ulit sa katawan hanggang sa bumagsak sa semento.

Matatandaang pinasok ni Alemania ang bahay ng isang German national at binaril nito ang nasabing dayuhan noong nakaraang Enero.

Dahil naman sa insidete, sinibak naman sa posisyon si warden Senior Inspector Pricel Arevalo habang ikinakasa ang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply