Preso ng PDEA nagbigti sa selda

NAAGAPAN ang muntik na pagpapakamatay ng 40-anyos na lalaki na pinaghihinalaang tulak ng shabu matapos matagpuang nakabigti  sa loob ng kulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zamboanga City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang detenidong si Melvin Loorb, natagpuang nakabigti gamit ang shorts na itinali sa nakabiting punching bag ilang oras matapos maaresto ng mga operqatiba ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) sa pamumuno ni  Adzhar Albani.

Ayon sa naantalang ulat noong umaga ng Sept. 6, 2012, nakatakda sanang kunin ang nagsosolong detainee na si Loorb sa loob ng selda ng PDEA para sa gagawing inventory pero nadatnan na nila itong nakabitin.

Mabuti na lamang at mabilis na naisugod sa pampubikong pagamutan sa Zamboanga ang biktima at suwerteng nakaligtas ito sa kamatayan.

Dahil dito, sinabi ni Gutierrez na nakahanda sila sa ano mang imbetigasyon na isasagawa ng awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply