Presyo ng isda, gulay sa M Manila, mataas pa rin

NANANATILING mataas ang presyo ng ilang isda at gulay sa mga palengke sa buong Metro Manila.

Batay sa price monitoring, sa Marikina City Public Market, ilang produkto ay mas mataas pa ang presyo.

Iginiit  ng vendors ang mga sirang daan na dulot ng mga pagbaha ang pangunahaing dahilan kaya nagtataasan ang presyo ng mga gulay mula sa Northern Luzon.

Ngayong araw na ito, ang presyo ng sibuyas ay umakyat sa P100 kada kilo, mula sa P80 at umakyat naman ng P10 ang presyo kada kilo ng sili na nasa P90 na ngayon.

Samantala, P10 rin ang itinaas ng presyo ng kamatis kada kilo na nasa P45 na P80 na ang bawat kilo ng bitsuelas, repolyo na P100 na kada kilo mula sa P90 at kalamansi na P5 ang itinaas mula sa P25 kada kilo.

Limang piso  ang itinaas ng kada kilo ng bangus na nasa P125 na, at P10 naman ang nadagdag sa presyo ng tilapya bawat kilo mula sa P80.

Bumaba naman ng P10 ang kada litro ng mantika na nasa P50 na lamang ngayon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply