Presyo ng petrolyo may rollback

INAASAHANG may magaganap na rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Ito ang kinumpirma ni Director Zenaida Monsada, ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) na wala aniyang oil price hike ngayong linggo.

“Actually ang inaasahan po namin next week, rollback. Sa monitor po namin ng Lunes hanggang Huwebes na trading, may produkto na magro-rollback talaga, maliwanag. Tinitingnan namin yung Friday kung lahat ba ng produkto ay rollback o yung iba hindi na gagalaw.” Ayon pa kay Monsada.

Sinabi ni Monsada na tanging sa produktong liquefied petroleum gas (LPG) pa lamang may abiso mula sa mga oil company.

Matatandaang ipinag-utos ni US President Barack Obama ang pagapapalabas ng stockpile para muling dumami ang suplay ng krudo sa merkado, na ayon kay Monsada ay nakatulong sa pagpigil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“Mukhang hindi naman tumama yung bagyo at nag- react yung market na maglabas ng stockpile so mukhang humihina yung speculation,” aniya.

Sinabi rin ni Monsada na patuloy ang pagbabantay ng ahensya sa paggalaw ng produktong petrolyo.

“‘Pag may rollback hindi namin sila pipigilan pero ‘pag increase dapat i-notify kami a day before” paliwanag niya.

Hindi pa naman masabi ng DOE kung magkano ang tiyak na rollback na ipapatupad sa mga susunod na linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply