Price rollback, inilarga ng oil players

ILALARGA ngayon ng Petron Corp. at Seaoil ang pagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Ayon sa Petron, P0.60 sa kada litro ng diesel ang kanilang itatapyas sa presyo ng gasolina simula alas-12:01 kaninang hating gabi.

Samantala, nasa P0.25 naman sa kada litro ng kerosene ang kanilang ibababa at nasa P0.60 sa kada litro ng premium at unleaded gasoline ang rollback ng Seaoil, habang P0.25 naman sa diesel na ipinatupad naman alas-6:00 ngayong umaga.

Ang pagbabago sa paggalaw ng presyo ay bunsod pa rin ng presyuhan ng oil products sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply