Prince Harry nakaligtas sa Taliban attack sa Afghanistan

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan si Prince Harry nang atakehin ng militanteng Taliban ang Camp Bastion sa Helmand, Afghanistan province pero dalawang sundalo ng Amerika ang namatay, ayon sa ulat kaninang umaga ng NATO.

Sinabi ni Martyn Crighton, spokesperson ng International Security Assistance Force, hindi naman nalagay sa panganib ang buhay ni Prince Harry sa nasabing pag-atake at sa katunayan ay kasalukuyang nasa isang ligtas na lugar na ito.

“Prince Harry was never in any danger,” ani Crighton.

Hindi naman pinalad at namatay noon din sa paga-take ng mortars at rockets ang dalawang hindi pinangalanang US Marines.

Namatay din sa insidente ang may 16 na Taliban fighters.

Sinabi rin ni Crighton na kanilang iimbestigahan kung may kinalaman ang pag-atake dahil naroon Prince Harry nang pasabugan ang naturang base militar.

Patuloy namang ina-assess ng NATO ang damage ng pang-aatake.

Pero ayon sa coalition force, ang Camp Bastion ang siyang target ng karahasan.

Ang Camp Bastion ay malapit lang sa Camp Leatherneck na kampo naman ng US Marines.

Noong nakaraang linggo lang ay nagbanta ang Taliban na kanilang gagawin ang lahat para mapatay lamang si Prince Harry na third in line to the British throne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply