Pro-RH bill na mga guro ng DLSU, pinuri ng grupo

PINURI ng ACT Teachers’ Party ang 45 mga propesor ng De La Salle University na nagpahayag ng suporta sa reproductive health bill na nakasalang sa Kongreso.

Ayon kay ACT congressman Antonio Tinio, ipinapakita raw ng mga guro ng katolikong unibersidad na handa na ang mga mulat na mga guro upang manindigan para sa interes ng mamamayan.

Tinawag pang matapang ni Tinio ang mga guro ng La Salle matapos pagbantaan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP na maaring tanggalan ng estadong Katoliko ang Ateneo de Manila University.

Halos dalawandaang mga propesor ng Ateneo ang nauna na ring nagpahayag ng suporta sa panukalang batas na ikinabahala naman ng CBCP.

Hinkayat ni Tinio ang iba pang pamayanang akademiko na manindigan na rin para sa pagpasa ng naturang panukalang batas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply