Probe team vs ivory tusk smuggling, ikinasa ng DENR

BUMUO na ang Department of Environment and Natural Resources-7 (DENR) ng isang team para mag-imbestiga sa sinasabing smuggling at ilegal na pagbebenta ng ivory tusks mula sa elepante.

Ito’y matapos lumabas sa isang artikulo sa National Geographic magazine na tumutukoy sa isang mataas na opisyal ng simbahan sa Cebu na si Msgr. Cristobal Garcia na kilalang kolektor ng mga imahe gamit ang ivory .

Ayon sa Executive Director ng DENR-7 na si Dr. Isabelo Montejo nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa Bureau of Customs (BoC) sa Cebu at National Bureau of Investigation-7(NBI) para sa gagawin nilang imbistigasyon .

Inalerto na rin ng DENR-7 ang wildlife monitoring units sa mga paliparan at port area sa rehiyon para mapigilan ang posibleng pagpasok sa ganitong uri ng kargamento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply